Noli Me Tangere
(Kabanata 2:Si Crisostomo Ibarra)
Binati ni Kapitan Tiago ang kaniyang mga panauhin.Ipinakilala niya ang kaniyang kasama na si Don Crisostomo Ibarra.Nakatawag pansin sa lahat ang nabanggit na pangalan.Si Padre Damaso naman ay namutla habang nakatitig sa ipinapakilala.
Sinalubong si Ibarra ng tinyente at masayang binati. Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa pagkamatay ng ama ni ibarra. Nangilid ang luha sa mata ng Tinyente sa kanilang pag-uusap at saka nito iniwan ang kaniyang kausap.
Dahil sa nag-iisa ang binata ay siya na lamang ang nagpakilala sa mga panauhin na naroon. Isang kaugaliang natutuhan niya sa alemanya.
Nang lapitan niya si Padre Damaso upang sana ay batiin ,hindi siya nito pinansin. Inakala niyang nagkamali siya ng pagbanggit ng pangalan at siya'y nagpaumanhin.Nguni't sinabi ng Padre na hindi siya nagkamali nguni't itinanggi naman nito na naging kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Tumalikod ang binata na tila napahiya.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento