Lumaktaw sa pangunahing content

Noli Me Tangere(Kabanata 1: Isang Handaan)

Noli Me Tangere
(Kabanata 1: Isang Handaan)
Ni Dr.Jose P. Rizal

              Nagkaroon ng malaking handaan sa bahay ni Don Santiago delos Santos na kilala sa tawag na Kapitan Tiago.Ito ay handog niya kay Juan Crisostomo Ibarra para sa pagdating nito mula sa pitong taon na pag-aaral sa Europa.
              At dahil kilalang kilala ang kanyang tirahan ay agad na kumalat ang balita sa mga kabahayan tungkol sa handaan.
              Ang handaang iyon ay dadaluhan ng mga pinakamataas at mga kilalang tao sa bayan. Di nga naglaon ay nangagsidatingan na ang mga panauhin na kinabibilangan nina Padre Damaso,Padre Sibyla, Ginoong Laruja at maraming mga binata't dalaga.
               Habang naghihintay,ay napag-usapan nila ang mga pag-uugali ng mga Pilipino na tinatawag nilang Indio. Ayon kay Padre Damaso,ang mga Indio umano ay tamad,tanga,puno ng bisyo,walang utang na loob,walang pinag-aralan at magaslaw ang kilos.
               May ilang panauhin pa ang dumating,sina Doktor De Espanada at Donya Victorina.
               Maraming pag-uusap at pagtatalo rin ang naganap habang naghihintay sa may bahay na si Kapitan Tiago at panauhing pinararangalan.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Noli Me Tangere(Kabanata 2:Si Crisostomo Ibarra)

Noli Me Tangere (Kabanata 2:Si Crisostomo Ibarra) Ni Dr.Jose P. Rizal           Binati ni Kapitan Tiago ang kaniyang mga panauhin.Ipinakilala niya ang kaniyang kasama na si Don Crisostomo Ibarra.Nakatawag pansin sa lahat ang nabanggit na pangalan.Si Padre Damaso naman ay namutla habang nakatitig sa ipinapakilala.            Sinalubong si Ibarra ng tinyente at masayang binati. Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa pagkamatay ng ama ni ibarra.  Nangilid ang luha sa mata ng Tinyente sa kanilang pag-uusap at saka nito iniwan ang kaniyang kausap.             Dahil sa nag-iisa ang binata ay siya na lamang ang nagpakilala sa mga panauhin na naroon. Isang kaugaliang natutuhan niya sa alemanya.             Nang lapitan niya si Padre Damaso upang sana ay batiin ,hindi siya nito pinansin. Inakala niyang nagkamali siya ng pagbanggit ng pangalan at siya'y nagpaumanhin.Nguni't sinabi ng Padre na hindi siya nagkamali nguni't itinanggi naman nito na naging kaibigan niya ang

Noli Me Tangere(Kabanata 4:Erehe at Pilibustero)

Noli Me Tangere (Kabanata 4:Erehe at Pilibustero) Ni Dr.Jose P. Rizal         Hindi alam ng binata kung saan siya patutungo nang lumabas siya sa bahay ni Kapitan Tiago.Luminga-linga siya at naglakad-lakad at sa ganito'y napansing walang pagbabago sa mga paligid-ligid buhat nang umalis siya pitog taon na ang nakakaraan.Tila ba'y isang araw lamang siyang nawala sa kaniyang bayan.          Sa matagal niyang paglalakad-lakad ay inabutan siya sa daan ni Tinyente Guevarra at ito ang nagsabi sa kaniya kung bakit nakulong ang kaniyang ama bago ito namatay. Sa pagkasanggalang ng butihing matanda sa isang batang pinagpapalo ng baston ng isang artilyero,naitulak niya ang sundalo.Nabagok ang ulo sa bato at siyang ikinamatay nito.           Naglabasan ang mga taong dati pa'y naiinggit kay Don Rafael at sari-saring kasinungalingan ang isinumbong at inakusahang erehe at pilibustero.           Walang magawa ang Tinyente bagama't nagsikap siyang mabuti para mapawalang sala