Noli Me Tangere
(Kabanata 4:Erehe at Pilibustero)
Ni Dr.Jose P. Rizal
Hindi alam ng binata kung saan siya patutungo nang lumabas siya sa bahay ni Kapitan Tiago.Luminga-linga siya at naglakad-lakad at sa ganito'y napansing walang pagbabago sa mga paligid-ligid buhat nang umalis siya pitog taon na ang nakakaraan.Tila ba'y isang araw lamang siyang nawala sa kaniyang bayan.
Sa matagal niyang paglalakad-lakad ay inabutan siya sa daan ni Tinyente Guevarra at ito ang nagsabi sa kaniya kung bakit nakulong ang kaniyang ama bago ito namatay. Sa pagkasanggalang ng butihing matanda sa isang batang pinagpapalo ng baston ng isang artilyero,naitulak niya ang sundalo.Nabagok ang ulo sa bato at siyang ikinamatay nito.
Naglabasan ang mga taong dati pa'y naiinggit kay Don Rafael at sari-saring kasinungalingan ang isinumbong at inakusahang erehe at pilibustero.
Walang magawa ang Tinyente bagama't nagsikap siyang mabuti para mapawalang sala ang matanda. Saka lamang napawalang sala ang matanda nang bawian na ito ng buhay.
Hindi nakasagot si Ibarra sa mga isinalaysay sa kaniya ng Tinyente.Para siyang hinang-hina habang lumalakad silang papunta sa kwartel.
Naghiwalay ang dalawa at nagbilin ang Tinyente Guevarra na usisaing mabuti kay Kapitan Tiago ang mga detalye sa pangyayari.
The 10 Best New Asian Casinos in 2021 - Casinofib 카지노 카지노 다파벳 다파벳 クイーンカジノ クイーンカジノ bk8 bk8 betway betway 322 Thakasino | Online Casino | Slot machines | Play online
TumugonBurahin