Noli Me Tangere
(Kabanata 1: Isang Handaan)
Nagkaroon ng malaking handaan sa bahay ni Don Santiago delos Santos na kilala sa tawag na Kapitan Tiago.Ito ay handog niya kay Juan Crisostomo Ibarra para sa pagdating nito mula sa pitong taon na pag-aaral sa Europa.
At dahil kilalang kilala ang kanyang tirahan ay agad na kumalat ang balita sa mga kabahayan tungkol sa handaan.
Ang handaang iyon ay dadaluhan ng mga pinakamataas at mga kilalang tao sa bayan. Di nga naglaon ay nangagsidatingan na ang mga panauhin na kinabibilangan nina Padre Damaso,Padre Sibyla, Ginoong Laruja at maraming mga binata't dalaga.
Habang naghihintay,ay napag-usapan nila ang mga pag-uugali ng mga Pilipino na tinatawag nilang Indio. Ayon kay Padre Damaso,ang mga Indio umano ay tamad,tanga,puno ng bisyo,walang utang na loob,walang pinag-aralan at magaslaw ang kilos.
May ilang panauhin pa ang dumating,sina Doktor De Espanada at Donya Victorina.
Maraming pag-uusap at pagtatalo rin ang naganap habang naghihintay sa may bahay na si Kapitan Tiago at panauhing pinararangalan.
Pangkaligirang kasaysayan
TumugonBurahin