Noli Me Tangere
(Kabanata 4:Erehe at Pilibustero)
Ni Dr.Jose P. Rizal
Hindi alam ng binata kung saan siya patutungo nang lumabas siya sa bahay ni Kapitan Tiago.Luminga-linga siya at naglakad-lakad at sa ganito'y napansing walang pagbabago sa mga paligid-ligid buhat nang umalis siya pitog taon na ang nakakaraan.Tila ba'y isang araw lamang siyang nawala sa kaniyang bayan.
Sa matagal niyang paglalakad-lakad at inabutan siya sa daan ni Tinyente Guevarra at ito ang nagsabi sa kaniya kung bakit nakulong ang kaniyang ama bago ito namatay. Sa pagkasanggalang ng butihing matanda sa isang batang pinagpapalo ng baston ng isang artilyero,naitulak niya ang sundalo.Nabagok ang ulo sa bato at siyang ikinamatay nito.
Naglabasan ang mga taong dati pa'y naiinggit kay Don Rafael at sari-saring kasinungalingan ang isinumbong at inakusahang erehe at pilibustero.
Walang magawa ang Tinyente bagama't nagsikap siyang mabuti para mapawalang sala ang matanda. Saka lamang napawalang sala ang matanda nang bawian na ito ng buhay.
Hindi nakasagot si Ibarra sa mga isinalaysay sa kaniya ng Tinyente.Para siyang hinang-hina habang lumalakad silang papunta sa kwartel.
Naghiwalay ang dalawa at nagbilin ang Tinyente Guevarra na usisaing mabuti kay Kapitan Tiago ang mga detalye sa pangyayari.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento