Noli Me Tangere (Kabanata 5:Pangarap sa Gabing Madilim) Ni Dr.Jose P. Rizal Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama. Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga nagtatanghal. Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle. Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara. Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni Ibarra
Noli Me Tangere (Kabanata 4:Erehe at Pilibustero) Ni Dr.Jose P. Rizal Hindi alam ng binata kung saan siya patutungo nang lumabas siya sa bahay ni Kapitan Tiago.Luminga-linga siya at naglakad-lakad at sa ganito'y napansing walang pagbabago sa mga paligid-ligid buhat nang umalis siya pitog taon na ang nakakaraan.Tila ba'y isang araw lamang siyang nawala sa kaniyang bayan. Sa matagal niyang paglalakad-lakad ay inabutan siya sa daan ni Tinyente Guevarra at ito ang nagsabi sa kaniya kung bakit nakulong ang kaniyang ama bago ito namatay. Sa pagkasanggalang ng butihing matanda sa isang batang pinagpapalo ng baston ng isang artilyero,naitulak niya ang sundalo.Nabagok ang ulo sa bato at siyang ikinamatay nito. Naglabasan ang mga taong dati pa'y naiinggit kay Don Rafael at sari-saring kasinungalingan ang isinumbong at inakusahang erehe at pilibustero. Walang magawa ang Tinyente bagama't nagsikap siyang mabuti para mapawalang sala