Noli Me Tangere (Kabanata 3:Ang Hapunan) Ni Dr.Jose P. Rizal May mga pakunwaring pagpapaupo sa kabisera na ginawa sina Padre Damaso at Padre Sibyla kahit pareho naman silang nagnanais umupo dito. Si Don Santiago naman na nawalan na ng mauupuan ay inalok ni Ibarra ng silya niya. Habang naghahapunan ang mga panauhin,napag-usapan ang tungkol sa mga bansang napuntahan ni Ibarra--Alemanya,Polandiya,Inglatera,Espanya.May nagtanong sa kanya kung ano, sa mga paglalakbay niya,ang pinakamahalagang bagay na nakita niya. Napansin umano ng binata na ang kaunlaran at karalitaan ng mga mamamayan ay katimbang ng tinatanggap nilang kalayaan o kawalan man nito.Ang sagot na ito ng binata ay hindi nagustuhan ni Padre Damaso. Nagpaalam ang binata at umalis na sinabayan ng Tinyente.Babalik na lamang kinabukasan bago siya magtungo ng San Diego.